Rules And Regulations


Ang mga patakaran ng PBA ay itinulad sa mga patakaran ng FIBA at NBA:
  1. Ang isang laro ay binubuo ng apat na mga kapat na may habang 12-minuto, na gamit ng NBA.
  2. Ang sukat ng kalayuan ng three-point line mula sa basket ay 20 feet, 6 inches, na gamit ng FIBA. 22 feet lamang ang sukat ng kalayuan nito dati.
    • Hindi pa alam sa ngayon kung gagamitin ng PBA ang bagong patakaran ng FIBA ukol sa three-point line, na ngayo'y may layo na 20 feet, 9 inches mula sa basket.
  3. Ang "susi" ("key") ay hugis trapezoid, na gamit ng FIBA. Ang gamit noong nakaraan ay ang parihabang "susi" na gamit ng NBA.
    • Hindi pa alam sa ngayon kung gagamitin ng PBA ang bagong patakaran ng FIBA ukol sa susi, na ngayo'y kapareho ng parihaba na gamit ng NBA.
  4. Ang zone defense/depensa ng zone ay maaring gamitin sa laro, tulad sa FIBA, kahit na illegal defense ang ipinatupad dati.
  5. Ang koponan ay papasok sa kalagayang penalty matapos ang ikalimang pagkalabag (foul) nila sa isang kapat, at ang bawat kasunod na pagkalabag noon ay makakapagbigay ng dalawang libreng tira sa kabilang koponan. Gayunman, sa huling dalawang minuto ng mga laro, ang parehong koponan ay pinahihintulutan na gumamit ng isang pagkalabag lamang (kung sakaling wala pa sa kalagayang penalty ang koponan), bago bigyan ng libreng tira ang kabilang koponan. Sa naangkop na kalagayan, ang mga team foul at penalty situation ay ipapatupad rin sa pinahabang laro (overtime).
  6. Papasok ang mga bagong dating sa PBA sa pamamagitan ng isang "pagkalap ng mga baguhan" o "rookie draft"
  7. Mga Pilipino lamang ang maaring maglaro sa PBA, at sa mga piling kumperensya, maaring maglaro ang mga hindi Pilipino bilang "import".
May iba ring patakaran ang PBA:
  1. Ipinatutupad ng PBA ang "Trent Tucker Rule".
  2. Sa PBA, may tinatawag na advantage foul. Tinatawag ito kapag ang isang manlalaro ay lumabag laban sa katunggaling manlalaro sa isang fastbreak situation. Sa maliwanag na ulat, ang manlalaro ay lumabag na walang balak na tamaan ang bola (at sa gayon, ang balak niyang tamaan ay ang manlalaro). Ang katunggaaling manlalaro ay bibigyan ng dalawang libreng tira, at mapupunta muli sa kanila ang bola.
  3. Ang mga araw na wala ang isang manlalaro sa isang pag sasanay man o sa isang laro ay papatawan ng 50,000 absence fee depende sa biling ng araw na siya'y wala(meron man o walang balid ng rason)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento